05/23/2008
ANG LUPIT MO LANDO!
ANG LUPIT MO LANDO
Mayroon akong PAPA.
LANDO ang pangalan niya.
Mahal ko siya.
Ewan ko lang sa kanya.
Sa tuwing kami ay magkikita,
Nabubutas ang aking bulsa.
Sa umaga, pengeng pera,
Sa hapon, pengeng pang meriyenda,
Sa hapunan ay wala na siya,
Pero ubos na ang pagkain sa lamesa.
Hindi ko alam kung bakit ba?
Ako ba’y martir o tanga lang talaga?
Harap-harapan na ako’y niloloko na,
Ngunit sa’yo ako’y patay na patay pa.
Lahat ng gusto mo’y ibinigay ko na,
Ano ba naman ang kulang pa?
Sarili ko ay kinalimutan ko na,
Para lang ikaw ay mapasaya.
Ngunit bakit ganito LANDO?
Durug na durog na ang aking puso
Sa tuwing ako’y kausap mo,
Unti-unti ako’y lumalayo.
Baka kung ano na naman ang iyong ibato,
At tamaan na naman ang mukha ko.
Kailangan nang matigil ito,
Hindi ko na gusto ang mga kilos mo.
Totoong napaka-makasarili mo,
Paano naman ako?
Mas maganda pala sa aking mundo,
Kesa sa piling mo na parang impyerno.
Hindi na ikaw ang lalaking nakilala ko.
Wala na ang iyong mga pangako.
Talagang hindi ka naging totoo,
Lumuha lang ako sa piling mo.
Babalik na ako sa aking paraiso,
Sa mundong minamahal ako.
Doon ay hindi nila ako hinihingian,
Bagkus ako pa ay kanilang binibigyan.
Hindi ko kailangang magdusa at masaktan,
Sa kanila ay tao akong tinuringan.
Ngunit hangang ngayon ako’y nasasaktan,
Ikaw na nga ba’y nasaan?
Sana ikaw ay maliwanagan,
Magisip nang iyong mga pagkukulang.
Sapagka’t ako’y nagiisa lamang,
Nagmahal sa’yo ng walang hangganan.
Ngayon, ako’y maligaya na,
Buhay ko ay natagpuan ko na.
Ngunit hanggang ngayo’y mahal pa rin kita.
Kailan kita muling magkikita.
Sana lang ako’y wag nang sasaktan pa,
Nang ako’y wag nang lumayo pa.
Kay lupit mo LANDO
09:54 Permalink | Comments (0) | Email this | Tags: lando, gay, lupit, sex, money, love, city

